Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kima, Konstelasyon ng

Kima, Konstelasyon ng

Ginagamit ang terminong ito sa Job 9:9; 38:31; at Amos 5:8 upang tumukoy sa isang konstelasyon sa langit. Kadalasang itinuturing na tumutukoy ito sa Pleiades, isang grupo ng mga bituin na binubuo ng pitong malalaking bituin at ng iba pang mas maliliit na bituin, na nababalot sa materya ng nebula (gas at alikabok) at mga 380 light-year mula sa araw. Sa Job 38:31, tinatanong ni Jehova si Job kung kaya nitong ‘itali nang mahigpit ang mga bigkis ng konstelasyon ng Kima,’ at iniuugnay ito ng ilan sa pagiging masinsin ng kumpol ng Pleiades, ang kumpol ng mga bituin na pinakamalamang na makita ng mga mata kahit walang teleskopyo. Bagaman hindi matiyak ang pagkakakilanlan ng partikular na konstelasyong tinutukoy, maliwanag na ang diwa ng tanong na iniharap ay kung kaya ba ng isang hamak na tao na bigkising magkakasama sa isang kumpol ang isang grupo ng mga bituin anupat bubuo ang mga ito ng isang permanenteng konstelasyon. Sa gayon, sa pamamagitan ng tanong na ito, ipinaunawa ni Jehova kay Job ang kababaan ng tao kung ihahambing sa Soberano ng Sansinukob.