Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kimham

Kimham

[Nanlupaypay [sa pananabik]].

Ipinapalagay na anak ni Barzilai. Nang tanggihan ng matanda nang si Barzilai ang paanyaya na maging bahagi ng korte ni Haring David at irekomenda niyang si Kimham ang sumama kapalit niya, tumugon si David: “Kasama kong tatawid [sa Jordan] si Kimham, at gagawin ko mismo sa kaniya kung ano ang mabuti sa iyong paningin; at ang lahat ng pipiliin mong iatang sa akin ay gagawin ko para sa iyo.” (2Sa 19:33, 37-40) Batay sa huling mga tagubilin ni David kay Solomon, lumilitaw na si Kimham ay nanatili sa maharlikang korte. (1Ha 2:7) Sa Jeremias 41:17, nabanggit ang “tuluyang dako ni Kimham” malapit sa Betlehem. Hindi alam kung ang Kimham na ito ay ang Kimham noong panahon ni David o isang lalaking kapangalan niya nang maglaon. Sinasabi ng ilang komentarista na maaaring binigyan si Kimham ng isang lupain kapalit ng kaniyang paglilingkod kay David, o na maaaring ito’y isang lugar kung saan nagtayo si Kimham ng isang tuluyang dako para sa mga manlalakbay.