Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kis

Kis

1. Isang Meraritang Levita na anak ni Mahali at kapatid ni Eleazar. Yamang namatay si Eleazar na walang mga anak na lalaki, anupat nagkaroon lamang ng mga anak na babae, kinuha ng mga anak ni Kis ang mga babaing tagapagmanang ito bilang mga asawa. Ang isa sa “mga anak ni Kis” ay si Jerameel.​—1Cr 23:21, 22; 24:29.

2. Isang Benjamita; anak ni Jeiel at ng asawa nitong si Maaca. (1Cr 8:29, 30) Ang kaniyang kapatid na si Ner ang lolo ni Saul, na unang hari ng Israel. (1Cr 9:35-39) Lumilitaw na ang ama ni Kis na si Jeiel ay tinatawag ding Abiel.​—Tingnan ang ABIEL Blg. 1.

3. Isang Benjamita na ama ni Haring Saul. (1Sa 14:51; Gaw 13:21) Siya ay isang mayamang miyembro ng pamilya ng mga Matrita. (1Sa 9:1; 10:21) Ang Kis na ito ay anak ni Ner at apo ni Jeiel (Abiel), sa gayon ay pamangkin ng Kis na Blg. 1 at kapatid ni Abner. (1Cr 8:29-33; 9:35-39) Ngunit sa 1 Samuel 9:1 ay tinatawag siyang anak ni Abiel, anupat lumilitaw na ginagamit ang terminong “anak” upang tumukoy sa kaniya, hindi bilang tunay na anak ni Abiel (Jeiel), kundi bilang apo nito.

Maliwanag na ang tahanan ni Kis ay nasa Gibeah, sa Benjamin (1Sa 10:26), bagaman ang kaniyang dakong libingan ay nasa Zela. (2Sa 21:14) Ang tanging pangyayaring binanggit sa Bibliya may kinalaman kay Kis ay ang pagsusugo niya sa kaniyang anak na si Saul at sa isang tagapaglingkod upang hanapin ang ilang nawawalang asnong babae.​—1Sa 9:3, 4.

4. Isang Levita noong panahon ni Haring Hezekias; anak ni Abdi na mula sa mga anak ni Merari. Si Kis ay isa sa mga Levita na tumulong sa paglilinis ng templo noong unang taon ng paghahari ni Hezekias.​—2Cr 29:1-5, 12-17.

5. Isang Benjamitang ninuno ng pinsan ni Esther na si Mardokeo.​—Es 2:5-7.