Koa
Isang grupo ng mga tao o rehiyon na binanggit sa Ezekiel 23:23 kasama ng Pekod at Soa at inihula ni Jehova na magiging bahagi ng mga hukbo ng kaaway na sasalakay sa di-tapat na Jerusalem at Juda. Ang Koa ay malamang na nasa S ng Babilonia at karaniwang iniuugnay sa Qutu, isang grupo ng mga tao na nanirahan sa S ng Tigris sa tuyong lupain sa pagitan ng mga ilog ng mataas na ʽAdhaim at Diyala. Sa mga inskripsiyong Asiryano, ang Qutu ay kalimitang katambal ng Sutu (marahil ay ang Soa sa Eze 23:23), anupat ipinakikitang nakikipagdigma sila laban sa Asirya.