Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kohat

Kohat

Ang ikalawang binanggit sa tatlong anak ni Levi (Gen 46:11; Exo 6:16; 1Cr 6:1) at ama nina Amram, Izhar, Hebron, at Uziel. (Exo 6:18; Bil 3:19; 1Cr 6:2) Siya ang pinagmulan ng mga Kohatita, isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga Levita. (Bil 3:17, 27) Siya ay malamang na ipinanganak sa lupain ng Canaan at nakatalang kabilang sa 66 na kaluluwa na “sumama kay Jacob sa Ehipto.” (Gen 46:8, 11, 26; gayunman, tingnan ang BENJAMIN Blg. 1.) Kabilang sa mga inapo ni Kohat sina Moises, Aaron, Miriam (Exo 6:18, 20; Bil 26:58, 59), at ang mapaghimagsik na si Kora. (Bil 16:1-3) Si Kohat ay nabuhay nang 133 taon.​—Exo 6:18.