Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kompas

Kompas

Isang instrumento na ginagamit noon ng karpintero o ng iba pang bihasang manggagawa upang markahan o sulatan ng bilog o arko ang kahoy o iba pang materyales. Ang tanging pagtukoy ng Bibliya sa isang kompas ay nasa Isaias 44:13. Doon, ang idolatrosong mang-uukit ng kahoy ay sinasabing gumamit ng pising panukat, pulang yeso, at ng isang pait upang hubugin ang isang idolo. At, “sa pamamagitan ng kompas ay patuloy niyang tinatandaan iyon [maliwanag na upang tiyakin na maayos ang mga proporsiyon nito], at iyon ay unti-unti niyang ginagawang tulad ng wangis ng tao, tulad ng kagandahan ng mga tao, upang tumahan sa isang bahay.” Ang salitang Hebreo para sa “kompas” (mechu·ghahʹ) ay nauugnay sa chugh (bilog).​—Kaw 8:27; Isa 40:22.