Kop
[ק].
Ang ika-19 na titik ng alpabetong Hebreo. Kapag isinasalin ang mga pangalang Hebreo na may titik na ito, ang kop ay kadalasang kinakatawanan sa Ingles ng mga titik “c” o “k,” gaya sa “Cainan” at “Kis.” Mas mariin ang tunog nito kaysa sa tunog ng titik na kap [כ] at binibigkas sa gawing likuran pa ng lalamunan, gaya ng mariing Ingles na “q” na pinatutunog sa likuran ng ngalangala. Sa Hebreo, ito ang unang titik sa bawat isa sa walong talata sa Awit 119:145-152.