Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Korales

Korales

Ang batong-apog na mga deposito ng mga organismo sa dagat na tinatawag na mga polyp. Ang maliliit na nilalang na ito na nabubuhay nang kumpul-kumpol sa mainit-init na katubigan ay sumisipsip ng mga calcium salt mula sa dagat, at mula sa mga iyon ay gumagawa sila ng sanga-sangang tulad-palumpong na mga kayariang sintigas ng bato. Sa kalaunan, may ilang uri ng korales na dumarami at nagiging malalaking bahura ng korales at pundasyon ng mga pulo ng korales. Iba-iba ang kulay ng korales, gaya ng sari-saring kulay ng puti, itim, at pula, anupat pula ang pinakamamahalin at pinakahahangad noong sinaunang mga panahon. (Ihambing ang Pan 4:7.) May panahong nakilala ang Tiro dahil sa pangangalakal nito ng korales, na inaani sa Mediteraneo, Dagat na Pula, at Karagatang Indian. (Eze 27:16) Mula sa likas na korales, ang mga bihasang manggagawa ay humuhubog at gumagawa ng sari-saring lubhang kanais-nais na palamuti.

Dahil sa kinikilalang halaga ng korales, ginamit ito ng Bibliya sa ilang kawili-wiling paghahambing. Walang pagsalang nakahihigit ang kaalaman at karunungan kaysa sa halaga ng korales. (Job 28:18; Kaw 3:15; 8:11; 20:15) Totoo rin ito kung tungkol sa isang asawang babae na may kakayahan, anupat “ang kaniyang halaga ay malayong higit kaysa sa mga korales.”​—Kaw 31:10.