Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kore

Kore

1. Isang Kohatitang Levita na mula “sa mga anak ni Asap” at inapo ni Kora. (Exo 6:16, 18, 21; 1Cr 9:19; 26:1) Si Salum, isa sa “mga bantay-pinto ng tolda,” ay inilalarawan bilang “anak ni Kore na anak ni Ebiasap na anak ni Kora,” sa 1 Cronica 9:19. Hindi binabanggit ng tekstong ito ang lahat ng salinlahi sa pagitan ni Salum at ni Ebiasap, ngunit ang mga pangalang ibinigay ay kabilang sa iisang talaangkanang ito. Tinatawag ng 1 Cronica 26:1 ang bantay ng pintuang-daan na si Meselemias bilang “anak ni Kore.”

2. Isang Levita, ang “anak ni Imnah” at “bantay ng pintuang-daan sa gawing silangan” ng templo noong mga araw ni Haring Hezekias. Siya ang “nangangasiwa sa mga kusang-loob na handog sa tunay na Diyos, upang ibigay ang abuloy kay Jehova at ang mga kabanal-banalang bagay,” at mayroon siyang iba pang mga tauhan sa ilalim ng kaniyang pangangasiwa.​—2Cr 31:14-16.