Kristal
Ayon sa pagkakagamit sa Bibliya, ang kristal ay tumutukoy sa isang mineral na malinaw at tinatagos ng liwanag, malamang ay ang uri ng kwarts na tinatawag ngayon na batong kristal. Ang batong kristal ay purong anyo ng kwarts na binubuo ng silikon at oksiheno. Matatagpuan ito sa halos lahat ng uri ng bato sa karaniwang anyo nito na anim ang gilid. Ito’y walang kulay, malinaw, at malasalamin ang hitsura. Mas matigas ang batong kristal kaysa sa ibang karaniwang mineral, at kung minsa’y tinatabas ito at ginagawang mga batong hiyas.
Mahihiwatigan ang halaga ng “batong kristal” (sa Heb., ga·vishʹ; sa Ingles, rock crystal) noong mga Job 28:18) Ginagamit ng Apocalipsis ang malinaw at maningning na purong kristal (sa Gr., kryʹstal·los) upang ilarawan ang “isang malasalaming dagat na tulad ng kristal,” ang kaningningan ng banal na lunsod, ng Bagong Jerusalem, na gaya ng “batong jaspe na kumikinang na sinlinaw ng kristal,” at ang “isang ilog ng tubig ng buhay, malinaw na gaya ng kristal.”—Apo 4:6; 21:11; 22:1.
araw ni Job dahil tinukoy niya ito kasama ng korales at mga perlas, gayunma’y itinuring niyang mas mababa ang halaga ng lahat ng ito kaysa sa karunungan. (