Kub
Isang di-kilalang grupo ng mga tao na kabilang sa mga nakipag-alyansa sa Ehipto. Ang Kub ay nakatala kasama ng Etiopia, Put, Lud, at ng “mga anak ng lupain ng tipan” (maaaring tumutukoy sa mga Israelitang tumakas patungong Ehipto pagkatapos ng pagpaslang kay Gedalias noong 607 B.C.E.), at lahat ng mga ito’y itinalagang ‘mabuwal sa pamamagitan ng tabak.’ (Eze 30:4, 5) Ipinapalagay ng ilan na ang Kub ay tumutukoy sa Libya, at ganito ang salin dito ng ilang bersiyon.—LXX; RS.