Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Lagda

Lagda

Ang markang pagkakakilanlan ng isang tao. Ang salitang “lagda” ay salin mula sa salitang Hebreo na taw, ang pangalan ng huling titik ng alpabetong Hebreo. (Ang taw ay isinasalin din bilang “marka”; Eze 9:4 [ihambing ang tlb sa Rbi8], 6.) Kung minsan, ang lagda ay maaaring marka ng singsing na panlagda o ng silinder na pantatak ng isang tao, o maaaring ito’y isang nasusulat na marka na pantanging ginagamit ng isang tao o isang markang pinili niya bilang pagkakakilanlan.

Upang igiit ang kaniyang kawalang-sala sa harap ng kaniyang tatlong “kasamahan” na nagsasabing mga kasalanan sa Diyos ang dahilan kung bakit siya nagdurusa, si Job ay nagharap ng ebidensiya at argumento tungkol sa kaniyang kawalang-kapintasan. Tumawag siya sa Diyos na dinggin ang kaniyang usapin at sagutin siya, na sinasabi: “O kung sana ay may nakikinig sa akin, na ayon sa aking lagda ay sasagutin ako ng Makapangyarihan-sa-lahat! O kung sumulat sana ng isang dokumento ang taong kalaban ko sa usapin sa batas!” (Job 31:35) Dito, ipinahahayag ni Job na nais niyang iharap sa Diyos ang kaniyang usapin, anupat inilalakip niya rito ang kaniyang sariling lagda bilang katibayan.