Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Lami

Lami

[Aking Tinapay].

Ang kapatid ni Goliat na Giteo. Ang ulat sa 1 Cronica 20:5 ay kababasahan, sa isang bahagi nito, “pinabagsak ni Elhanan na anak ni Jair si Lami na kapatid ni Goliat na Giteo,” sa isang pakikipagdigma sa mga Filisteo. Gayunman, sa katulad na teksto sa 2 Samuel 21:19 ay mababasa: “Pinabagsak ni Elhanan na anak ni Jaare-oregim na Betlehemita si Goliat na Giteo.” Sa huling nabanggit na teksto, lumilitaw na ang ʼeth-lach·miʹ (sa Tagalog, “Lami,” anupat ipinahihiwatig lamang ng terminong Hebreo na ʼeth na ang Lami ang layon ng isang pandiwa) ay may-kamaliang binasa ng isang tagakopya bilang behth hal·lach·miʹ (“Betlehemita”). Samakatuwid, malamang na ang orihinal ay kababasahan ng, ‘pinabagsak si Lami,’ gaya ng mababasa sa katulad na teksto sa 1 Cronica 20:5. Pagtutugmain nito ang dalawang teksto sa puntong ito. Kaya maliwanag na si Lami ay kapatid ng Goliat na pinatay ni David. Sa kabilang dako naman, posible na may dalawang Goliat.​—Tingnan ang GOLIAT.