Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Lasa

Lasa

Isang lugar na binanggit sa deskripsiyon ng hangganan ng Canaanita. (Gen 10:19) Hindi tiyak kung saan ang eksaktong lokasyon nito. Maaaring ang Lasa ay “malapit” sa Zeboiim (NW; JP [1962 ed.]) o maaaring ang saklaw ng hangganan ng Canaanita ay mula sa palibot ng Zeboiim “hanggang sa” Lasa. (AT; RS; JB) Batay sa pagtukoy ni Jerome at sa tradisyong Judio, marami ang nagsasabi na ang Lasa ay nasa Callirrhoe, malapit sa silanganing baybayin ng Dagat na Patay sa timog ng Wadi Zarqa Maʽin. Iniuugnay naman ng iba ang Lasa sa Lais (Dan).