Laud
Ang salitang Hebreo na sha·lishʹ ay waring nauugnay sa isang salitang-ugat na nangangahulugang “tatlo.” (Ihambing ang Exo 14:7, tlb sa Rbi8.) Kaya naman, ang anyong pangmaramihan nito na sha·li·shimʹ sa 1 Samuel 18:6 ay isinasalin sa iba’t ibang paraan bilang “mga panugtog na tatlo ang kuwerdas” (Ro), “mga panugtog na may tatlong kuwerdas” (Yg), at “mga laud” (NW), na siyang pinapaboran ng ilang makabagong leksikon. Ang konteksto ng talatang ito ay nagpapahiwatig ng isang panugtog na magaan, yamang tinutugtog ito ng mga babaing Israelita samantalang umaawit at sumasayaw sila sa pagdiriwang ng mga tagumpay ni Haring Saul at ni David.—1Sa 18:6, 7.