Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Leumim

Leumim

[Mga Lipi ng mga Bansa; Mga Populasyon].

Isang pangalang lumilitaw sa Genesis 25:1-3 kasama ng Asurim at Letusim, na pawang mga inapo nina Abraham at Ketura sa pamamagitan ni Dedan. Ang paggamit ng pangmaramihang hulaping Hebreo na im sa pangalang Leumim ay maaaring magpahiwatig na kumakatawan ito sa isang tribo o bayan. Hindi posibleng gumawa ng espesipikong pagtukoy sa Dedanitang tribong ito. Gayunman, iminumungkahing nanahanan sila sa ilang bahagi ng Arabia, malamang ay sa kapaligiran na karaniwang iniuugnay kay Dedan.​—Tingnan ang MIZRAIM.