Libna
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “puti”; o, posible, “punong estorake”].
1. Isang kampamento ng mga Israelita sa ilang. Hindi alam kung saan ang lokasyon nito.—Bil 33:20, 21.
2. Isang maharlikang Canaanitang lunsod na kinuha ni Josue bago niya sinakop ang Lakis. (Jos 10:29-32, 39; 12:15) Ang Libna ay isa sa mga lunsod sa teritoryo ng Juda na ibinigay sa “mga anak ni Aaron.” (Jos 15:21, 42; 21:13; 1Cr 6:57) Pagkaraan ng maraming siglo, nanirahan dito ang biyenan ni Haring Josias.—2Ha 23:31; 24:18; Jer 52:1.
Nang maghimagsik ang mga Edomita noong ikasampung siglo B.C.E., ang Libna ay nagrebelde rin 2Ha 8:22; 2Cr 21:10) Noong 732 B.C.E., ang hukbo ni Haring Senakerib ng Asirya ay lumipat mula sa Lakis patungong Libna. Nagsugo siya ng isang hukbong militar na mula sa Lakis upang pagbantaan ang Jerusalem. Samantalang nasa Libna, tumanggap ng mga ulat ang mga Asiryano na binabalak ni Tirhaka na hari ng Etiopia na makipaglaban sa kanila. Dahil dito, upang himuking sumuko ang Jerusalem, nagsugo si Senakerib ng mga mensahero sa ikalawang pagkakataon. Ang mga ito’y may dalang mga liham na nananakot kay Hezekias na hari ng Juda. Pagkatapos nito, ang anghel ni Jehova ay pumatay ng 185,000 sa hukbong Asiryano, na lumilitaw na nagkakampo pa malapit sa Libna.—2Ha 19:8-35; Isa 37:8-36.
laban kay Haring Jehoram ng Juda. (Ang Tell es-Safi ay iminumungkahi bilang posibleng lokasyon ng sinaunang Libna. Gayunman, yamang mas pabor ang katibayan na iugnay ang Tell es-Safi sa Gat, ipinapalagay ng makabagong mga iskolar na ang Libna ay ang Tell Bornat (Tel Burena), na mga 8 km (5 mi) sa HHS ng Lakis.