Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Libra

Libra

[sa Gr., liʹtra].

Isang timbang na sa Juan 12:3 (tlb sa Rbi8) at 19:39 (tlb sa Rbi8) lamang binabanggit. Kadalasan, ang terminong Griego nito ay tinutumbasan ng librang Romano (sa Lat., libra). Sa gayon, ito ay mga 327 g (11.5 onsa). Isinasalin ng ilang bersiyon ang salitang Griego na mna bilang “libra” (Luc 19:18, KJ, Dy, JB, We), ngunit mas angkop itong isalin bilang “mina.” (Da, Fn, NW, Ro) Samantalang ang “libra” ay ginagamit sa Bibliya bilang isang timbang o sukat, ang “mina” naman ay isang timbang na pansalapi na nagpapahiwatig ng isang espesipikong halaga ng ginto o pilak.