Lo-ami
[Hindi Ko Bayan].
Ang pangalan ng ikalawang anak na isinilang ng asawa ni Oseas na si Gomer. Iniutos ni Jehova na bigyan ng ganitong makahulugang pangalan ang bata upang ipakita na Kaniyang itinatwa ang walang-pananampalatayang Israel. (Os 1:8, 9) Iminumungkahi na ang batang ito ay hindi supling ni Oseas kundi anak ni Gomer sa pangangalunya (Os 1:2), sapagkat nang ipanganak si Jezreel, sinasabing si Gomer ay “nagsilang sa kaniya [kay Oseas] ng isang anak na lalaki,” samantalang may kinalaman kay Lo-ami ay sinasabi lamang na “siya ay nagdalang-tao at nagsilang ng isang anak na lalaki.”—Os 1:3, 8.