Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Lo-ruhama

Lo-ruhama

[[Siya ay] Hindi Pinagpakitaan ng Awa].

Isang batang babaing isinilang ni Gomer, na asawa ni Oseas. Sinabihan ni Jehova ang propeta na bigyan ng ganitong pangalan ang bata sapagkat “hindi na [Siya] muling magpapakita ng awa sa sambahayan ng Israel.” Sa gayon ay ipinaalam ng Diyos ang pagtatakwil niya sa Israel sa kabuuan. (Os 1:6-8) Mas maaga rito, nang ipanganak si Jezreel, sinasabing si Gomer ay “nagsilang sa kaniya [kay Oseas] ng isang anak na lalaki,” ngunit may kinalaman kay Lo-ruhama ay sinasabi lamang na si Gomer ay “muling nagdalang-tao at nagsilang ng isang anak na babae,” anupat walang personal na pagtukoy kay Oseas. Bagaman hindi espesipikong sinasabi ng ulat, iminumungkahi na ang batang ito ay bunga ng pangangalunya ni Gomer at hindi sariling supling ng propeta. (Os 1:2, 3) May di-tuwirang pagtukoy sa kaniyang makasagisag na pangalan sa Oseas 2:1, 23.