Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Lod

Lod

Isang lunsod na may mga sakop na bayan. Lumilitaw na itinayo ito ng Benjamitang si Semed na ‘anak’ ni Elpaal. (1Cr 8:1, 12) Pagkabalik ng mga Judio mula sa pagkatapon sa Babilonya, ang Lod ay naging isa sa kanilang mga pinakakanluraning pamayanan. (Ezr 2:33; Ne 7:37; 11:35) Ipinapalagay na ito rin ang Lida, kung saan pinagaling ni Pedro si Eneas. (Gaw 9:32-38) Yamang nasa isang matabang libis sa timugang gilid ng Kapatagan ng Saron, ang el-Ludd (Lod) ay matatagpuan mga 18 km (11 mi) sa TS ng Jope. Noong sinaunang panahon, ang lunsod na ito’y nasa salubungan ng itinuturing na pangunahing ruta na bumabagtas sa pagitan ng Ehipto at Babilonya at ng pangunahing lansangan na mula Jope patungong Jerusalem. Sa Karaniwang Panahon, dahil sa estratehikong lokasyon nito, nalantad ang lunsod sa mga pananalanta ng mga hukbo ng mga Romano, Saraceno, Krusado, at mga Mongol.