Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Lotus, Punong

Lotus, Punong

[sa Heb., tse·ʼelimʹ (pangmaramihan)].

Ang matinik na lotus (Zizyphus lotus) ay isang masangang palumpong o mababang puno, kadalasan ay tumataas lamang nang 1.5 m (5 piye). Ang mga dahon nito ay maliit, biluhaba, at tulad-katad, at sa punò ng bawat dahon ay may isang pares ng mga tinik. Ang tanging pagtukoy rito ay nasa Job 40:21, 22, kung saan binabanggit ang Behemot (ang hipopotamus) bilang nakahiga sa lilim ng punong ito. Bagaman ang punong ito ay matatagpuan sa mga tuyong lugar sa Palestina, binabanggit ng A Dictionary of Life in Bible Times na ito ay “saganang tumutubo sa mainit at mahalumigmig na latian” ng H Aprika.​—Ni W. Corswant, Suffolk, 1960, p. 177.