Lucio
[mula sa salitang-ugat na Lat. na nangangahulugang “liwanag; ilaw”].
1. Isang lalaking taga-Cirene na kaugnay sa kongregasyon ng Antioquia, Sirya, nang humayo si Pablo mula roon sa kaniyang unang paglalakbay bilang misyonero.—Gaw 13:1-3.
2. Isang Kristiyanong “kamag-anak” ni Pablo na nakasama niya sa Corinto noong kaniyang ikatlong paglalakbay bilang misyonero nang isulat ng apostol ang kaniyang unang liham sa mga taga-Roma. Nakiisa si Lucio sa pagpapadala ng mga pagbati sa mga Kristiyano sa Roma.—Ro 16:21.