Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Madagtang Punungkahoy

Madagtang Punungkahoy

[sa Heb., goʹpher].

Isang punungkahoy na ang kahoy ay ginamit ni Noe sa pagtatayo ng arka ngunit hindi matukoy nang may katiyakan. (Gen 6:14) Tinumbasan lamang ng King James Version ng transliterasyon ang pangalang Hebreo nito. Salig sa pagkakahawig ng pangalang Hebreo nito at ng terminong Hebreo para sa “alkitran” (“pitch,” KJ; sa Heb., koʹpher), iniuugnay ito ng ilan sa isang uri ng madagtang punungkahoy. Karaniwang pinapaboran ng mga iskolar ang sipres, na isang napakatibay na punungkahoy at hindi madaling mabulok.​—Tingnan ang SIPRES.