Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Madai

Madai

Ang ikatlong nakatalang anak ni Japet. (Gen 10:2; 1Cr 1:5) Siya ang pinaniniwalaang pinagmulan ng mga Medo. Dahil sa pagkaunawang ito, sa ibang bahagi ng Bibliya, ang Hebreong Ma·dhaiʹ ay isinasaling “mga Medo,” o “Media,” gaya sa 2 Hari 17:6; 18:11; Esther 1:3; Isaias 13:17; 21:2; at iba pang mga teksto. Ang mga Medo ay tinawag ding Madaia sa wikang Asiro-Babilonyo (Akkadiano) at Mada sa Matandang Persiano. May panahon noong nakalipas na nanirahan sila sa matalampas na rehiyon ng Iran, anupat namayan pangunahin na sa pagitan ng Kabundukan ng Elburz (sa T ng Dagat Caspian) at ng Kabundukan ng Zagros sa dakong S ng Asirya. Ang makabagong pangalang Iran ay halaw sa salitang Ingles na “Aryan,” isang terminong ginagamit upang tukuyin yaong mga kabilang sa Japetikong angkan.