Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Madon

Madon

[mula sa pandiwang salitang-ugat na nangangahulugang “humatol”].

Isang maharlikang Canaanitang lunsod na nakipag-alyansa sa Hazor laban sa mga Israelita at nang dakong huli ay natalo. (Jos 11:1-12; 12:19) Karaniwang ipinapalagay na ang Madon ay ang Qarn Hattin (Horvat Qarne Hittim), na mga 8 km (5 mi) sa KHK ng Tiberias. Waring napanatili naman sa Khirbet Madin, na mga 1 km (0.6 mi) sa dakong T, ang sinaunang pangalan na ito. Gayunman, pinag-aalinlanganan ng ilan ang pag-uugnay ng Madon sa Khirbet Madin, sapagkat iyon ay batay lamang sa pagkakahawig ng pangalan ng Madin at ng pangalang ito sa Bibliya.