Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mahalat, II

Mahalat, II

Malamang na isang terminong pangmusika, marahil ay may teknikal na katangian, na matatagpuan sa mga superskripsiyon ng Mga Awit 53 at 88. Naniniwala ang ilan na ang terminong ito ay maaaring may kaugnayan sa isang pandiwang salitang-ugat na Hebreo na nangangahulugang “manghina; magkasakit,” sa gayo’y nagpapahiwatig ng mapanglaw at malungkot na himig. Waring kasuwato ito ng mapanglaw na nilalaman ng dalawang awit na iyon, partikular na ng Awit 88.