Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mahane-dan

Mahane-dan

[Kampo ni Dan].

Isang lugar na minsang inilarawan bilang nasa “pagitan ng Zora at Estaol” (Huk 13:25) at noong isang pagkakataon bilang nasa K ng Kiriat-jearim. (Huk 18:11, 12) Naniniwala ang ilan na ang mga ito’y dalawang magkaibang lugar, yamang ang iminumungkahing mga lokasyon ng Estaol at Zora ay milya-milya ang layo at nasa TK ng Kiriat-jearim. Magkagayunman, hindi alam kung saan ang (mga) lokasyon ng Mahane-dan. Ang pangalan nito ay nangangahulugang “Kampo ni Dan” at sa gayo’y maaaring tumutukoy lamang sa isang pansamantalang pamayanan o isang dakong pinagkampuhan at kumakapit sa mahigit sa isang lugar.