Maiikling Hibla
[sa Ingles, tow].
Ang orihinal na salitang Hebreo na isinalin nang ganito ay inuunawang tumutukoy sa magagaspang at maiikling hibla ng lino. Madaling magningas ang maiikling hiblang ito. Nang igapos ni Delaila si Samson sa pamamagitan ng sariwang mga litid, madali nitong napatid ang mga iyon, “kung paanong napapatid ang pinilipit na sinulid ng maiikling hibla kapag nakaamoy ito ng apoy.” (Huk 16:8, 9) Itinalaga ni Jehova na sa gitna ng kaniyang sinaunang bayan, ang mga balakyot at ang mga gawa ng mga ito ay magkakasamang malilipol, sa pagsasabing: “Ang taong puspos ng sigla ay tiyak na magiging maiikling hibla, at ang bunga ng kaniyang gawa naman ay isang siklab; at kapuwa sila magliliyab nang magkasabay, na walang sinumang papatay sa apoy.”—Isa 1:24, 31.