Makeda
Isang maharlikang Canaanitang lunsod sa Sepela. Sa yungib ng Makeda nagtago ang limang hari na nag-alyansa laban sa mga Gibeonita. Pansamantala silang kinulong doon hanggang noong patayin sila. Nang dakong huli, ang yungib na ito ang naging libingan nila. Pagkatapos nito, binihag ng hukbong Israelita sa ilalim ng pangunguna ni Josue ang lunsod ng Makeda at itinalaga nila iyon sa pagkapuksa. Nang hati-hatiin ang Lupang Pangako, ang Makeda ay ibinigay sa tribo ni Juda.—Jos 10:5-29; 12:7, 8, 16; 15:20, 33, 41.
Hindi tiyak kung saan ang eksaktong lokasyon ng Makeda. Ipinapalagay na ito ay ang Khirbet el-Kheishum, na mga 4 na km (2.5 mi) sa HHS ng Azeka. Malawak na mga kaguhuan at mga karatig na yungib ang nagsisilbing palatandaan ng lugar na ito.