Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Makir

Makir

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “magbili”].

1. Ang unang binanggit na anak ni Manases sa kaniyang Siryanong babae. Si Makir ang pinagmulan ng pamilya ng mga Makirita at tinatawag na “ama ni Gilead.” Ang kaniyang asawa ay si Maaca, at nagkaroon siya ng mga anak samantalang buháy pa si Jose. (Gen 50:23; Bil 26:29; Jos 17:1; 1Cr 2:21, 23; 7:14-17) Binihag ng “mga anak ni Makir” ang pook ng Gilead, pinalayas ang mga Amorita, at tinanggap ang distritong iyon bilang mana. (Bil 32:39, 40; Deu 3:15; Jos 13:31) Si Zelopehad at ang mga anak na babae nito ay mula sa Manasitang pamilya ni Makir. (Bil 27:1; 36:1, 2; Jos 17:3) Sa awit ng tagumpay nina Debora at Barak, waring ginamit ang “Makir” sa matulaing pananalita upang kumatawan sa buong tribo ni Manases.​—Huk 5:1, 14.

2. Anak ni Amiel (at isang tumatahan sa Lo-debar) na sa kaniya nakipanahanan ang anak ni Jonatan na si Mepiboset hanggang sa ipasundo ito ni David at maglaan para sa pangangalaga rito. (2Sa 9:4-7, 13) Nang maglaon, noong panahon ng paghihimagsik ni Absalom, kabilang si Makir sa mga taong naglaan kay Haring David at sa mga kasamahan nito ng pagkain at iba pang mga panustos.​—2Sa 17:27-29.