Malakias
Isang Hebreong propeta at manunulat ng Bibliya. (Mal 1:1) Ang Kasulatan ay walang ibinibigay na impormasyon hinggil sa kaniyang pinagmulang angkan at personal na buhay. Ang nalalaman tungkol sa kaniya ay isinisiwalat sa aklat na nagtataglay ng kaniyang pangalan. Ipinakikita siya roon bilang isang lalaki na nagtaglay ng malaking sigasig para sa pangalan ni Jehova at pagsamba sa Kaniya.