Malcam
[Kanilang Hari].
1. Isang Benjamita at anak ni Saharaim sa kaniyang asawang si Hodes.—1Cr 8:1, 8, 9.
2. Ang pangunahing idolong diyos ng mga Ammonita. (2Sa 12:30; 1Cr 20:1, 2; Jer 49:1, 3) Posibleng siya rin si Milcom, si Molec, at si Moloc. (1Ha 11:5, 7; Gaw 7:43) Sa tekstong Masoretiko, ang tanging ipinagkaiba ng pangalang Malcam sa Milcom, na “kasuklam-suklam na bagay ng mga Ammonita,” ay ang mga tuldok-patinig sa Hebreo. (1Ha 11:5) Salungat sa tagubiling ibinigay sa Josue 23:7, ang mga Judio ay nagsimulang manata ng mga sumpa sa pamamagitan ni Malcam. (Zef 1:5) Malalaman sa konteksto kung kailan isasalin ang salitang Hebreo bilang pangalan ng diyos na ito at kung kailan naman iyon isasalin bilang “kanilang hari.”—Am 1:15; tingnan ang MOLEC.