Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Malco

Malco

[mula sa salitang-ugat na Heb. na nangangahulugang “hari”].

Ang alipin ng mataas na saserdote na sumama kay Hudas Iscariote at sa pulutong na patungong Getsemani, kung saan inaresto si Kristo. Tinaga ni Pedro ng tabak ang kanang tainga ni Malco (Ju 18:10; Mat 26:51; Mar 14:47), ngunit makahimalang pinagaling ito ni Jesus. (Luc 22:50, 51) Isa pang alipin ng mataas na saserdoteng si Caifas, na kamag-anak ni Malco, ang nakakilala kay Pedro nang maglaon, at umakay ito sa ikatlong pagkakaila ng apostol kay Kristo.​—Ju 18:26, 27.