Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Malki-sua

Malki-sua

[Ang Aking Hari [ay Dumirinig ng Aking] Paghingi ng Tulong].

Isa sa mga anak ni Haring Saul. (1Sa 14:49; 1Cr 8:33; 9:39) Siya ay napabagsak ng mga Filisteo sa pagbabaka sa Bundok Gilboa (1Sa 31:2; 1Cr 10:2), at ang kaniyang bangkay (kasama niyaong sa mga kapatid niya na sina Jonatan at Abinadab at niyaong sa kaniyang amang si Saul) ay ibinitin ng mga Filisteo sa pader ng Bet-san. Gayunman, kinuha ng magigiting na lalaki ng Israel ang mga bangkay, sinunog ang mga iyon sa Jabes, at inilibing doon ang mga buto ng mga iyon.​—1Sa 31:8-13.