Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Maloti

Maloti

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “sumenyas; bumigkas”].

Isang Kohatitang Levita at isa sa 14 na anak ng mang-aawit na si Heman. (1Cr 25:4, 5) Naglingkod ang pamilya bilang mga manunugtog sa ilalim ng pangangasiwa ng kanilang amang si Heman. Nang organisahin ni David ang mga pangkat ng mga Levita upang maglingkod nang halinhinan sa bahay ni Jehova, ang ika-19 na palabunot ay nahulog kay Maloti, na gumanap ng pagkaulo sa pangkat na iyon ng 12 manunugtog.​—1Cr 25:6, 26.