Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Maluki

Maluki

Isang makasaserdoteng pamilya na ang kinatawan ay naglingkod noong mga araw ng mataas na saserdoteng si Joiakim, at noong mga araw nina Ezra at Gobernador Nehemias.​—Ne 12:12, 14, 26.

Ang pangalang Maluki ay nasa tekstong Masoretiko at may kere, o panggilid na nota, na dapat itong basahing “Melicu,” at ang huling anyong ito ay masusumpungan sa King James Version. Ang Griegong Septuagint ay kababasahan ng “Maluc,” na inaakala ng ilang iskolar bilang ang orihinal na anyo. Iminumungkahi ng mga iskolar na ito (ngunit walang paraan upang mapatunayan ito) na ang pagdaragdag ng i (yod [י] sa Hebreo) sa dulo ng pangalan ay nangyari nang ang unang titik ng kasunod na salita ay di-sinasadyang naulit noong kinokopya ang manuskrito.