Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Malvavisco

Malvavisco

[sa Heb., chal·la·muthʹ; sa Ingles, marshmallow].

Isang halamang nabubuhay nang ilang taon na malapit na kamag-anak ng hollyhock. Ang makahoy na mga tangkay ng malvavisco (Althaea officinalis) ay tumataas nang hanggang 1.8 m (6 na piye). Ang malalaki at malalapad na dahon ng halamang ito ay may mga gatla at patulis ang dulo. Ang mga tangkay at mga dahon nito ay nababalutan ng malambot na balahibo. Ang mga bulaklak nito na mapusyaw na rosas at lima ang talulot ay may lapad na mga 5 sentimetro (2 pulgada). Sa mga panahon ng taggutom, ang puti at tulad-karot na ugat ng malvavisco ay ginagamit bilang pagkain. Ang tanging pagbanggit ng Kasulatan sa malvavisco ay tumutukoy sa kawalang-lasa nito.​—Job 6:6.

Ang terminong Hebreo na chal·la·muthʹ, matatagpuan lamang sa Job 6:6, ay isinasalin sa iba’t ibang paraan bilang “itlog” (AS, KJ), “purslain” (AT), at gaya ng ibinigay na katuturan sa isang Hebreo at Aramaikong leksikon nina L. Koehler at W. Baumgartner, “malva-visco” (Lexicon in Veteris Testamenti Libros, Leiden, 1958, p. 304).