Maoc
Ama ni Akis, hari ng Filisteong lunsod ng Gat, kung kanino nanganlong si David at ang 600 lalaki nito mula kay Saul. (1Sa 27:1-3) Maaaring siya rin ang Maaca sa 1 Hari 2:39, bagaman hindi tiyakan ang gayong pagtukoy. Ang pangalang Maaca ay kahawig na kahawig ng Maoc, at posible na si Akis, na namamahala noong nagtatago si David, ang siya pa ring Filisteong hari ng Gat nang magsimula ang pamamahala ni Solomon.