Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Maon

Maon

1. Inapo ni Caleb sa pamamagitan ni Samai. Maaaring si Maon ang ama ng mga taga-Bet-zur o ang pangunahing lalaki o nagtatag ng lunsod na iyon.​—1Cr 2:42, 45.

2. Lunsod sa bulubunduking pook ng Juda. (Jos 15:20, 48, 55) Tinugis ni Haring Saul ng Israel si David at ang mga tauhan nito hanggang sa ilang na lugar na nakapalibot sa Maon. Ngunit dahil sa balitang lumusob ang mga Filisteo, napilitan si Saul na itigil ang paghabol. (1Sa 23:24-28) Nang maglaon, si Nabal, na isang mayamang may-ari ng lupain at lumilitaw na naninirahan sa Maon, ay hindi nagpakita ng pagkamapagpatuloy sa mga tauhan ni David. (1Sa 25:2-11) Ipinapalagay na ang lunsod na ito ay ang Tell Maʽin (Horvat Maʽon [Bi-Yehuda]) na nasa ibabaw ng isang mataas na burol na mga 13 km (8 mi) sa TTS ng Hebron.