Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mas

Mas

Isang inapo ni Sem sa pamamagitan ni Aram. (Gen 10:22, 23; 1Cr 1:17, sa Sy at sa anim na manuskritong Heb.) Sa 1 Cronica 1:17 ang tekstong Masoretiko ay kababasahan ng “Mesec” sa halip na “Mas.” Ngunit malamang na isa itong pagkakamali ng eskriba, yamang si Mesec ay nakatala bilang isang “anak” ni Japet.​—Gen 10:2; 1Cr 1:5.

Iniuugnay ng ilan si Mas at ang kaniyang mga inapo sa Mons Masius, isang bulubunduking rehiyon sa hilagang Mesopotamia na binanggit ng Griegong heograpo na si Strabo. (Geography, 16, I, 23) Iniuugnay ng iba ang Mas sa isang bahagi ng disyerto ng Sirya-Arabia na tinatawag na “(lupain ng) Mas” sa mga ulat ng kasaysayan ng Asirya at inilarawan bilang “ang disyerto kung saan ang nakatutuyot na uhaw ay pangkaraniwan, kung saan wala man lamang mga ibon sa langit at kung saan walang mga burikong gubat (ni) mga gaselang nanginginain.”​—Archaeology and the Old Testament, ni M. F. Unger, 1964, p. 98; Ancient Near Eastern Texts, inedit ni J. B. Pritchard, 1974, p. 299.