Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Masa

Masa

Isang inapo ni Abraham sa pamamagitan ni Ismael. (Gen 25:12-14; 1Cr 1:29, 30) Malamang na ang mga supling ni Masa ay namayan sa isang lugar sa H Arabia. Sa mga ulat ng kasaysayan ni Tiglat-pileser III, ang Masʼa (Masa sa Bibliya?) ay binabanggit na kasama ang Tema at ang iba pang mga lokasyon sa H Arabia. (Ancient Near Eastern Texts, inedit ni J. Pritchard, 1974, p. 283) Iniugnay ang Masa sa Ma·sa·noi na ayon sa Griegong heograpo na si Ptolemy (ikalawang siglo C.E.) ay matatagpuan sa HS ng “Duma” (ang lugar ng Dumat al-Ghandal sa H Arabia?).

Ang salitang Hebreo na mas·saʼʹ ay matatagpuan din sa Kawikaan 30:1 (may pamanggit na pantukoy na ha) at sa Kawikaan 31:1 (walang pantukoy). Ito ang naging dahilan ng mga salin na ‘Agur na anak ni Jakeh, ng Masa’ at ‘Lemuel na hari ng Masa.’ (Ihambing ang AT, JB, Ro, RS o ang iba pang mga salin ng mga ito.) Gayunman, maliwanag na sina Agur at Lemuel ay mga Israelita, at kung gayon, ang mas·saʼʹ ay angkop na isinasaling “orakulo” (AS), “deklarasyon” (Yg), at “mabigat na mensahe” (NW; ihambing ang Kaw 30:5, 9; 31:30 sa Aw 12:6; Ro 3:1, 2).