Maskil
Ang salitang ito ay lumilitaw sa superskripsiyon ng 13 awit (32, 42, 44, 45, 52, 53, 54, 55, 74, 78, 88, 89, 142) at posibleng nangangahulugang “mapagdili-diling tula.” Gayunman, dahil di-matiyak ang kahulugan ng salitang Hebreong ito, hindi na ito isinalin ng maraming bersiyon. May pahiwatig hinggil sa kahulugan nito—isang salita na kahawig ng anyo nito [ipinagpatuloy sa pahina 337] [karugtong ng pahina 320] ang isinasalin sa ibang mga talata bilang “kumikilos nang may kapantasan,” ‘gumagawing may karunungan,’ “gumagawi nang may pakundangan,” “may kaunawaan,” at iba pa.—1Sa 18:14, 15; 2Cr 30:22; Aw 41:1; 53:2.