Masreka
Lumilitaw na tahanan ni Samla, isang Edomitang hari. (Gen 36:31, 36; 1Cr 1:43, 47) Ang pangalang Masreka ay maaaring napanatili sa bundok na kung tawagin ng mga Arabe ay Jebel el-Mushraq, na mga 50 km (30 mi) sa TK ng Maʽan. Ipinapalagay ni Eusebius na ang Masreka ay nasa mas dako pang H, mas malapit sa Dagat na Patay.