Matanias
[Kaloob ni Jehova].
1. Isang Levita, anak ni Heman. Pinili siya sa pamamagitan ng palabunutan upang pangunahan ang ikasiyam na pangkat ng mga Levitikong manunugtog na naglilingkod ayon sa pagkakaayos ni David.—1Cr 25:1, 4, 8, 9, 16.
2. Isang Levita na mula sa mga anak ni Asap at isang ninuno ni Jahaziel. (2Cr 20:14) Maaaring siya ang Matanias na binanggit sa 1 Cronica 9:15 at Nehemias 13:13. Maaaring ibang Matanias o ang kinatawan ng sambahayang iyon ang binanggit sa Nehemias 12:8; ihambing ang Nehemias 11:17, 22; 12:25.
3. Isang Levitang inapo ni Asap na tumulong sa paglilinis sa bahay ni Jehova noong panahon ni Haring Hezekias.—2Cr 29:12-16.
4. Isang anak ni Haring Josias at tiyo ni Haring Jehoiakin. Iniluklok siya sa trono ng Juda ni Nabucodonosor na hari ng Babilonya, na bumago sa kaniyang pangalan tungo sa Zedekias.—2Ha 24:15-17; tingnan ang ZEDEKIAS Blg. 4.
5. Isang Israelitang kabilang sa “mga anak ni Elam” na nagpaalis sa mga asawang banyaga.—Ezr 10:25, 26, 44.
6. Isang Israelitang kabilang sa “mga anak ni Zatu” na nagpaalis sa mga asawang banyaga.—Ezr 10:25, 27, 44.
7. Isang Israelitang kabilang sa “mga anak ni Pahat-moab” na nagpaalis sa mga asawang banyaga.—Ezr 10:25, 30, 44.
8. Isang Israelitang kabilang sa “mga anak ni Bani” na nagpaalis sa mga asawang banyaga.—Ezr 10:25, 34, 37, 44.