Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Matat

Matat

[malamang na pinaikling anyo ng Heb. na Matitias, nangangahulugang “Kaloob ni Jehova”].

1. Isang malayong ninuno ni Jesu-Kristo sa pamamagitan ni Maria. Siya ay tinatawag na “anak ni Levi” at isa sa mga tao na nakatala sa yugto sa pagitan nina Zerubabel at David.​—Luc 3:29.

2. Isang mas malapit na ninuno ni Jesus sa pamamagitan ni Maria. Ang ama ni Maria na si Heli ay tinutukoy na “anak” ng Matat na ito, na malamang na lolo ni Maria.​—Luc 3:23, 24.