Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Matenai

Matenai

[pinaikling anyo ng Matanias, nangangahulugang “Kaloob ni Jehova”].

1. Isang Israelita na mula “sa mga anak ni Hasum” na kumuha ng mga asawang banyaga ngunit nagpaalis sa mga ito noong panahon ni Ezra.​—Ezr 10:25, 33, 44.

2. Isang Israelita na mula “sa mga anak ni Bani” na nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga noong mga araw ni Ezra.​—Ezr 10:25, 34, 37, 44.

3. Isang saserdote noong mga araw ni Joiakim na ulo ng sambahayan ni Joiarib sa panig ng ama.​—Ne 12:12, 19.