Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Matred

Matred

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “itaboy [ang isa]”].

Ina ni Mehetabel na asawa ng Edomitang si Haring Hadar (Hadad). (Gen 36:31, 39; 1Cr 1:50) Sa Genesis 36:39 ay ipinakikilala ng Syriac na Peshitta at ng Griegong Septuagint si Matred bilang anak na lalaki ni Mezahab, ngunit ayon sa tekstong Masoretiko, si Matred ay anak na babae ni Mezahab.