Meara
[Yungib].
Isang lunsod o distrito ng mga Sidonio. Hindi pa ito nalulupig ng Israel noong matapos ang kanilang kampanyang militar sa ilalim ng pangunguna ni Josue. (Jos 13:2, 4) Dalawang lokasyon ang pansamantalang iminumungkahi para rito. Ang isa ay ang nayon ng Mghairiye, na mga 10 km (6 na mi) sa HS ng Sidon. Ang isa pa ay ang Mughar Jezzin (salitang Arabe para sa “Mga Yungib ng Jezzin”), na isang distrito ng mga yungib sa ibabaw ng Kabundukan ng Lebanon at nasa S ng Sidon.