Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Meonenim, Malaking Punungkahoy ng

Meonenim, Malaking Punungkahoy ng

[Yaong mga Nagsasagawa ng Mahika].

Isang punungkahoy na abot-tanaw sa Sikem, dinaanan ng isang pangkat ng mga tauhan ni Haring Abimelec bago sila makipaglaban sa mga may-ari ng lupain sa lunsod na iyon. (Huk 9:34-37) Ang “malaking punungkahoy ng Meonenim” ay salin ng mga salitang Hebreo na ʼe·lohnʹ meʽoh·nenimʹ. Ang ʼe·lohnʹ ay tumutukoy sa malalaking punungkahoy sa pangkalahatan, at ang meʽoh·nenimʹ ay isang pandiwari na nangangahulugang “yaong mga nagsasagawa ng mahika.” (Tingnan ang Deu 18:14.) Maaaring ganito ang ipinangalan sa punungkahoy na iyon dahil ang mga Canaanita o ang mga apostatang Israelita ay nagsagawa ng mahika roon. Iniuugnay rin ng ilang iskolar ang “malaking punungkahoy ng Meonenim” sa “malalaking punungkahoy ng More” na inilalarawan ding nasa kapaligiran ng Sikem.​—Ihambing ang Gen 12:6; 35:4; Huk 9:6.